Province of Benguet

Opening of Yupo-an-Penas FMR, Dalipey, Bakun, Benguet​

Opening of Yupo-an-Penas FMR, Dalipey, Bakun, Benguet

Isa sa mga adhikain ni Governor Dr. Melchor Daguines Diclas mula nang siya ay maupo bilang gobernador ng Benguet ang matulungan ang ating mga magsasaka at mga residente ng mga malalayong barangay sa probinsya lalo na sa pagbibiyahe ng pasyente sa pinakamalapit na ospital sa pamamagitan ng pagbubukas at pagpapabuti ng mga farm-to-market road at iba pang mga kalasada sa probinsya.
 
Kamakailan lang natapos ang proyektong Opening of Yupo-An-Penas FMR sa Bakun, Benguet at ang Improvement of Lomon-Paykek Provincial Road sa Kapangan, Benguet na ngayo’y pinapakinabangan na ng mga benepisaryo. Iilan lamang ito sa marami nang proyekto na napunduhan ng lokal na gobyerno ng Benguet bilang parte ng HEALTHIER Benguet framework ni Governor Diclas.